Aquino admin nangakong magiging 'open' sa media

MANILA, Philippines - Siniguro ni incoming Presidential Spokesman Atty. Edwin Lacierda na isang beses kada linggo ay haharap si Pangulong Aquino sa media at ito mismo ang magsasagawa ng briefing.

Nagtungo si Atty. Lacierda, spokesman ni PNoy, sa Office of the Press Secretary (OPS) upang makipag-usap sa kanyang mga counterparts sa Arroyo administration na sina Presidential Spokesman Ricardo Saludo, Deputy Presidential Spokespersons Charito Planas at Gary Olivar.

Sinabi naman ni Usec. Olivar kay Lacierda na dapat maging ‘open’ at palagi siyang available sa media interviews.

Siniguro naman ni Lacierda na magiging available siya sa media interviews para magkaroon ng kalinawan ang bawat isyu sa ilalim ng Aquino government.

Show comments