Obispo kay PNoy: 3C's sa pagpili ng Gabinete
MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Soc Villegas si President-elect Benigno Simeon Aquino III na isa-isip ang tatlong C’s sa pagpili ng kanyang Cabinet members na magiging katulong nito sa kanyang panunungkulan.
Ayon kay Villegas, mahalagang alam ni Aquino na ang kanyang itatalaga ay may Character na magpagkakatiwalaan; Competence na may sapat na kakayahan sa kanyang puwesto at Commitment na may pusong maglingkod sa bansa.
Kung ang mga Cabinet member ni Aquino ay nagtataglay ng tatlong “C”, nakatitiyak anya ang Pilipinas ng tunay na pagbabago at pag-unlad.
Gayunman, sinabi Villegas na hindi niya pinanghihimasukan ang desisyon ni Aquino dahil karapatan niya ito. Hindi rin umano magiging adviser si Villegas ni Aquino.
Kailangan lamang ng papasok na administrasyon ng suporta at pang-unawa ng may 14 milyon Filipino na umaasa ng pagbabago sa pangunguna ni Aquino.
Samantala, nagpasalamat din si Villegas kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pagiging pangulo nito ng bansa.
Tumanggi din si Villegas na i-rate si Pangulong Arroyo hinggil sa naging performance nito sa loob ng siyam na taon. “You should not judge, so you will not be judge,” dagdag pa ni Villegas.
- Latest
- Trending