^

Bansa

Posters ng masustansiyang gulay ipapaskil sa schools

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Namahagi ng 15,000 posters ng masusustansiyang gulay si Agriculture Secretary Bernie Fondevilla sa Department of Education bilang dagdag kaalaman sa mga kabataan sa ilalim ng programang “Alay-Tanim” ng dalawang ahensiya.

Ang “Alay-Tanim ay isang programa ng pamahalaan para sa produksyon ng pagkain sa mga pampublikong paaralan sa bansa na layuning maibsan ang kahirapan at mapaliit ang malaking problema sa nutrisyon.

Bukod sa mga posters ay namahagi din ang DA-Bureau of Plant Industry (BPI) ng mga binhi ng gulay sa mga empleado ng naturang mga ahensiya upang pangunahan ng mga ito ang paggugulayan sa kanilang lugar.

Sa ilalim din ng natu­rang programa, bibigyan ng higit na kaalaman ng DepEd ang mga mag-aaral sa elementarya at high school sa paghahalaman gayundin sa kanilang mga magulang kahit na gamit lamang ay paso at plastic na supot ay maaaring makapagtanim ng gulay .

Ang DA-BPI naman ay patuloy na magbibigay ng tulong teknikal sa ikauunlad sa paghahalaman sa mga paaralan sa bansa.

Ang mga posters ay ipamamahagi ng DepEd sa iba’t ibang paaralan sa bansa.

AGRICULTURE SECRETARY

ALAY-TANIM

BANSA

BERNIE FONDEVILLA

BUKOD

BUREAU OF PLANT INDUSTRY

DEPARTMENT OF EDUCATION

GULAY

NAMAHAGI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with