NFA handa na sa La Niña
MANILA, Philippines - Nagpakalat na ang National Food Authority (NFA) ng suplay ng bigas sa mga istratehikong lugar bilang paghahanda sa La Niña phenomenon o matinding pag-uulan na inaasahang mag-uumpisa sa Hulyo.
Ayon kay NFA Administrator Jessup Navarro, may stock na bigas ang ahensiya para sa mga calamity prone areas bago pa man magsimula ang tag-ulan.
Sinabi ni Navarro na nasa 2 milyong metriko tonelada ang imbentaryo ngayon ng NFA katumbas ng 56 percent ng kabuuang national inventory na 3.56 million metric tons na palay.
Sapat na sapat anya ito sa pangangailangan ng bansa hanggang sa pagtatapos ng taon base sa operational distribution target ng NFA ngayong 2010.
Kaugnay nito, inatasan ni Navarro ang mga field officials ng NFA para makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para agad mapaghandaan ang disaster preparedness oras na pumasok ang La Niña sa bansa.
- Latest
- Trending