^

Bansa

Nanalo sa Lanao Sur polls hiling maiproklama

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Nagpetisyon si Mohammed Hussein Pangandaman sa Commission on Elections na iproklama na siyang nanalo sa nakaraang special elections sa Lanao del Sur bilang 1st District representative.

Ayon kay Atty. Ted Pastrana, legal counsel ni Hussein, hindi makatarungan na ipagpaliban pa ang kanyang proklamasyon matapos niyang malamangan ng 3,401 votes ang kanyang closest rival na si Salic Dumarpa.

Dapat nang ideklarang panalo si Pangandaman kung hindi pa magaganap ang eleksiyon sa natitirang 12 barangay sa naturang distrito, sabi ni Pastrana.

Samantala, may kumakalat na spekulasyon na ang natalong kandidatong si Dumarpa ay may kinalaman umano sa kidnaping ni Muralden Yusoph, ang 23-anyos na Imam ni Comelec Commissioner Elias Yusoph na dinukot ng armadong kalalakihan sa Marawi City noong Linggo.

Hindi pa nagbibigay ng anumang pahayag si Dumarpa ukol sa naturang kaso.

AYON

COMELEC COMMISSIONER ELIAS YUSOPH

DAPAT

DUMARPA

HUSSEIN

LANAO

MARAWI CITY

MOHAMMED HUSSEIN PANGANDAMAN

MURALDEN YUSOPH

SALIC DUMARPA

TED PASTRANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with