^

Bansa

Malacañang pinagpapaliwanag sa ads

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Kinukuwestiyon kahapon ng isang Senador ang ginagawang paggastos ng Malacañang sa mga naglalabasang advertisement sa telebisyon na nagpapakita ng mga magandang nagawa ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo habang nakaupo ito sa puwesto.

Naniniwala si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na malaki ang na­gastos ng gobyerno para sa mga patalastas na dapat aniya’y nagamit sa mga proyektong mapapakinabangan ng mga mamamayan.

Sinabi ni Pangilinan na maliwanag na pag­lulustay lamang ito ng milyong pisong pera ng taumbayan ang ipinalabas na advertisements bagay na hindi naman dapat ipagmalaki pa ng administrasyon dahilan marami itong kinakaharap na kontrobersya.

Kabilang na rito ang NBN-ZTE Deal, Fertilizer Fund scam, North Rail Project scam, Macapagal Highway scam, Kotongan sa World Bank Funded Project, Hello Garci scam at iba pa.

Sa kabila ng batikos ni Pangilinan, ipi­nagtanggol naman ni Senate President Juan Ponce Enrile ang ginawang patalastas ng palasyo ng Malacañang.

FERTILIZER FUND

HELLO GARCI

KABILANG

MACAPAGAL HIGHWAY

MALACA

NORTH RAIL PROJECT

PANGILINAN

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

WORLD BANK FUNDED PROJECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with