^

Bansa

Apela ng EcoWaste sa mga dadalo: 'Wag magkalat sa PNoy inauguration'

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Nanawagan ang environmental group na Eco­Waste Coalition sa mga taong sasaksi sa June 30 inauguration ni president-elect Benigno Simeon Aquino III na huwag mag-iwan ng kalat sa Rizal Park sa Ermita, Manila.

Karaniwan na kasing basura ang naiiwan pagka­tapos ng malalaking pag­diriwang sa bansa.

Ayon kay EcoWaste Coalition president Roy Alvarez, dapat na panati­lihin ng mga mamamayan na malinis ang Luneta Park, kasabay nang pag­saksi ng mga ito sa panu­numpa ng bagong pangulo ng bansa, upang maipakita ng mga ito ang paggalang kay PNoy, ga­yun­din ang kanilang pa­giging respon­ sableng ma­mamayan, na maaaring ipag­­malaki sa buong mundo.

Iminungkahi rin ng grupo sa park management na maglagay ng mga portable toilet at mga waste bins para sa biodegra­dable at non-biodegradable wastes sa paligid ng Luneta.

Pinayuhan rin ng Eco­Waste ang mga mama­mayan na itapon sa basu­rahan ang kanilang mga ba­sura, o di kaya’y mag­dala ng ekstrang bag upang paglagyan ng mga ito.

Iginiit ng grupo na ang Luneta at maging ang bu­ong bansa ay hindi basu­rahan kaya’t hindi dapat ito pagtapunan ng basura.

Maging kay P’Noy ay umapela rin naman ang EcoWaste Group na mag­lun­sad ng public campaign laban sa pagkakalat sa pa­nahon ng kaniyang admi­nis­trasyon.

AYON

BENIGNO SIMEON AQUINO

ERMITA

LUNETA

LUNETA PARK

RIZAL PARK

ROY ALVAREZ

SHY

WASTE COALITION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with