^

Bansa

Gen. Bangit, basted na kay Noynoy- Defense Chief

-

MANILA, Philippines - Wala ng aasahan pa at malabo na ang isang himala sa kapalaran ng napipinto ng tanggalin sa puwestong si Armed Forces of  the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Delfin Bangit kaugnay ng pagpasok sa eksena ng bagong administrasyon ni president –elect Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III.

Ayon kay Defense Secretary Norberto Gonzales, dapat matanggap na ng maluwag sa kaniyang dibdib ni Bangit na ayaw talaga sa heneral ni Noynoy at habang maaga ay magdesisyon na ito  ng kaniyang nararapat na gawin.

“Alam ko yung sakit na tumatama kay Gen. Bangit pero sabi ko sa kanya, that’s your job, that’s your job, that’s your career. Kung ayaw sa inyo ng darating na Commander in Chief, that’s the call you have to take. Kung hindi ka nila bibigyan ng dignidad, dignify yourself”, ani Gonzales.

Una rito, sinabi ni Noynoy na hindi si Bangit ang Chief of Staff sa ilalim ng kaniyang admi­nistrasyon at agaran niya itong papalitan sa pu­westo matapos na makapili na ng isang he­neral na kaniyang pagkakatiwalaan.

Inihalimbawa ng De­fense Chief na tulad ng isang manliligaw, ay basted na si Bangit kaya dapat magdesisyon na rin itong umalis sa puwesto o ang tinatawag na ‘early retirement ‘.

“Kung ayaw sa’yo, alis ka na. Para lang yan sa nanliligaw, pag basted ka na, exit ka na. I don’t know how he will do it”, giit pa ni Gonzales.

Si Bangit, produkto ng Philippine Military Aca­demy (PMA) Makataru­ngan Class 1978 ay nakatakdang magretiro sa Hulyo 31, 2011 pagsapit ng compulsory age retirement sa ika-56 nitong kaarawan.

Samantalang, dahilan ayaw rito ni Noynoy ay pinag-iisipan pa kung magreretiro ng maaga o isasalin ang kapangyarihan sa napipisil na ipalit sa kaniya ni Noynoy.

ARMED FORCES

BANGIT

BENIGNO SIMEON

CHIEF OF STAFF

CHIEF OF STAFF GEN

DEFENSE SECRETARY NORBERTO GONZALES

DELFIN BANGIT

GONZALES

NOYNOY

PHILIPPINE MILITARY ACA

SI BANGIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with