^

Bansa

Comelec itinalaga ang natalong alkalde

-

SAMAL, Bataan, Philippines – Isang buwan bago matapos ang panunungkulan ng kasalukuyang administrasyon, isang natalong kandidato ng bayan ng Samal sa lalawigang ito ang itinalaga ng Commission on Elections (Comelec) na manungkulan bilang alkalde.

Ayon sa order ng Comelec en banc na may petsang Mayo 22, 2010, pinagtibay nito ang naunang desisyon na nagpapawalang bisa sa pagkakaupo ni Rolando Tigas bilang alkalde matapos ang lokal na halalan noong 2007. Sa halip, itinatalaga nito si Roseller Navarro bilang siyang tunay na nanalo at dapat manungkulan.

Noong Mayo 2007, tumakbong mayor sina Navarro at Tigas kung saan, ayon sa resulta, tinalo ng huli si Navarro ng may 1,149 boto. Inapila ni Navarro ang resulta na sinasabing lumamang pa siya ng may 832 boto laban kay Tigas. Kinatigan ito ng Regional Trial Court ng Bataan at ng Comelec.

Si Navarro ay nakababatang kapatid ni Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Nitong katatapos na halalan Mayo 2010, tumakbong muli si Navarro (Lakas-Kampi) bilang mayor ng Samal, subalit tinalo ng bagito sa politika na si Gene Malibiran-dela Fuente (Liberal) ng mahigit 4,000 boto mula sa mahigit 20,000 botante.

Ang pag-upo ni Navarro sa natitirang isang buwan ng kasalukuyang administrasyon ay ikinagulat at ikinabahala ng mga Samaleño. Inaasahan na lang nila ang magiging maayos na pagsasalin ng panibagong pamahalaan sa Hulyo 1.

vuukle comment

COMELEC

GENE MALIBIRAN

NAVARRO

NOONG MAYO

OMBUDSMAN MERCEDITAS GUTIERREZ

REGIONAL TRIAL COURT

ROLANDO TIGAS

ROSELLER NAVARRO

SAMAL

SI NAVARRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with