^

Bansa

'Sex education' papalitan ng pangalan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Dahil sa maling konsepto sa kata­gang “sex”, posibleng palitan na la­mang ng Department of Education (DepEd) ang tawag dito matapos na ma­katanggap ng pagkontra ng sim­ba­hang Katoliko.

Ilan sa mga nakarating na su­hestiyon sa DepEd na maaaring ipalit sa tawag na ito ay ang “reproductive health education” o “reproductive program education”. Ang ta­wag na “sex education” umano ang ta­wag base sa “international standards” na ipinatu­tu­pad sa Amerika at sa Europa.

Sinabi ni Jonathan Malaya na maaaring maling kon­­­septo o pakahulugan ang tumanim sa isipan ng mga kumu­kontra sa “sex edu­cation” kung saan naka­rating sa kanila na po­sibleng iniisip na ma-e-“excite” ang mga estudyante sa gaga­wing pagtuturo nito. 

Nakatakda namang mag­sa­gawa ng konsultasyon ang DepEd sa Catholic Bi­shop Conference of the Philip­pines (CBCP) sa Hun­yo 15-18 kung saan ipapa­liwanag nila ang nila­laman ng ka­nilang aralin at sistema ng pagtuturo.

Sinabi rin ni Malaya na bukod sa simbahang Ka­toliko, wala nang ibang gru­pong relihiyoso ang naririnig nilang kumukontra sa pag­tuturo ng sex education sa mga pa­aralan.

AMERIKA

CATHOLIC BI

CONFERENCE OF THE PHILIP

DAHIL

DEPARTMENT OF EDUCATION

JONATHAN MALAYA

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with