^

Bansa

Disqualification case ng Ako Bicol, pinababasura

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Naghain kahapon ng motion to dismiss ang Ako Bicol Political Party (AKB) sa Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa nakasampang disqualification nito matapos manalo sa nakaraang party list elections noong May 10.

Sinabi ni Atty. George Erwin Garcia, legal counsel ng Ako Bicol, dapat ay noon pa kinuwestyon ng Bayan at COURAGE ang kanilang registration at hindi ngayong nanalo na sila sa eleksyon.

“We hope the Co­melec will immediately lift the order of suspension. Most a disqualification case is being used to harass the respondents. They should have objected to our petition for accreditation before. Estoppels had already set in,” paliwanag ni Atty. Garcia.

Idinagdag pa ni Garcia, dapat ay bale­walain ng Comelec ang disqualification ng Ako Bicol at iproklama na agad ang nangunang party list group sa naka­raang May 10 elections.

Nilinaw din ng AKB na ang kanilang grupo ay hindi binuo para lamang sa eleksyon kundi ito ay naitatag at tumutulong sa mga Bicolanos simula pa noong 2006 taliwas sa akusasyon na binuo lamang sila para sa May 10 elections.

Hiniling din ni Sen. Francis Escudero na isang Bicolano sa Co­melec na agarang iprok­lama ang Ako Bicol at CIBAC.

Aniya, kung may problema sa nominee ay dapat iproklama muna ang Partylist.

AKO BICOL

AKO BICOL POLITICAL PARTY

ANIYA

BAYAN

BICOLANO

BICOLANOS

COMELEC

FRANCIS ESCUDERO

GARCIA

GEORGE ERWIN GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with