^

Bansa

Kontrata ng Stradcom giit ng transport na paimbestigahan

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Nanawagan ang mili­tanteng transport group na Pinagkaisang Sama­han ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) kay President-apparent Noynoy Aquino na paim­bestigahan nito ang kon­trata ng Stradcom Corporation sa LTO at DOTC dahil nagiging ugat lamang umano ng kahirapan sa taumbayan laluna sa mga motorista ang mga ipinatu­tupad na computer fees at iba pang singilin sa mga motorista sa buong bansa.

Bukod dito, hiniling din ni Piston Secretary General Goerge San Mateo na ibasura na ng tuluyan ng pamahalaang Aquino ang RFID project ng LTO dahil ilegal ito bukod sa dagdag gastos lamang ito ng mga motorista.

Hiniling din ni San Mateo kay Aquino ang pagbasura sa DOTC Department order 2008-39 at 2008-38 na nagpatupad ng sobra sobrang multa sa trapiko at administrative fees dahil ito ang dahilan kung bakit mataas ang binabayaran nilang computer fees ng Stradcom.

“Palaging bogged down ang computers ng Stradcom at walang ma­gan­dang serbisyo dahil hindi nila mapigilan ang pagdami ng kambal na plaka, pagrehistro ng mga smuggled cars at iba pa gayung sila ang may hawak ng data base ng LTO,” pahayag ni San Mateo.

AQUINO

BUKOD

NOYNOY AQUINO

OPERATORS NATIONWIDE

PINAGKAISANG SAMA

PISTON SECRETARY GENERAL GOERGE SAN MATEO

SAN MATEO

SHY

STRADCOM

STRADCOM CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with