MANILA, Philippines - Naiproklama na ng Commission on Elections (Comelec) kahapon ang 27 Partylist groups na nanalo sa katatapos na May 10 automated election subalit hindi kabilang ang nangungunang Ako Bikol Political Party dahil sa protesta.
Ayon kay Comelec Chairman Jose Melo ang 27 partylist na naiproklama ay kabilang sa 39 partylist na nanalo noong nakaraang halalan.
Ipinagpaliban naman ng Comelec ang proklamasyon ng 12 pang partylist group bunsod ng mga reklamong isinampa sa Comelec katulad ng petition for cancellation of registration.
Kabilang sa 11 partylist na hindi naiproklama ang Ako Bicol Political Party; Buhay, Hayaang Yumabong (BUHAY); First Consumers Alliance for Rural Energy; Cibac; LPG Marketers Assn. Inc.; Ang Asosasyon sa manghuhula ng Bisaya; Association of Philippine Electric Cooperatives (APEC); Alliance for Nationalism and Democracy; 1-Utak, Advocacy for Teachers and Empowerment through cooperation and action; Butil at Farmers Party at Ang Galing PInoy.
Samantala ang iprinoklamang nanalong Partylist group ay ang Coalition of Assn. of senior citizen of the Phil. (2 seats), Ang bayan Citizen action party (2 seats), Gabriela (2 seats), Coop Natco, (2 seats), Abono (2 seats), Bayan Muna, 2 seats, An Waray, 2 seats; Agricultural Sector Alliance Sector of the Phil Inc., Alliance for barangay concern party, Anak Pawis, Kabataan, Abante Mindanao, Act Teachers, You Against Corruption and Poverty, Kasangga, Bagong Henerasyon, Agbiag Timpuyog Ilokano Inc., PBA, Arts Business and Science Professionals, TUCP, Agham, Democratic Independence Workers Ass., Kapatiran ng mga Nakakulong na Walang Sala (Kakusa), Kalinga Advocacy for Social Empowerment and Nation Building through Fishing Poverty, Alagad, Una ang Pamilya, Alliance of Volunteer Educators (AVE), na pawang nakakuha ng tig-1 seat.