^

Bansa

'Paglutas sa kahirapan unahin'

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon ang isang malaking samahan ng mga mahihirap kay President-in-waiting Sen. Noynoy Aquino na unahin ang paglutas sa kahirapan at iba pang problema ng bansa oras na maupo na siya bilang Pangulo ng bansa.

Sa pahayag ng Taguig Urban Poor Alliance (TUPA), trabaho at kabuhayan ang agarang kailangan ng sambayanang Pilipino, lalo pa ng mga mahihirap tulad nila.

Ayon kay TUPA President Victor Flores, ang walang katapusang pagbuhay sa mga nadesisyunan nang usaping pulitikal o pag-atake sa mga personalidad ay hindi maglilikha ng mga trabaho o ikabubuhay ng mga mamamayan.

Inihalimbawa ni Flores ang pahayag ni Aquino na paiimbestigahan pa rin niya sina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo dahil sa NBN-ZTE deal sa kabila ng pahayag ng Senado at Ombudsman na walang kinalaman ang dalawa dito.

“Nandiyan din ang pagbale-wala ni Ginoong Aquino kay Chief Justice Renato Corona dahil lamang sa ito ay itinalaga ni Pangulong Arroyo.

“Panalangin namin na maisip sana ni Ginoong Aquino na ang mga ito ay walang idudulot kundi patuloy na pagkakahati-hati ng Sambayanan sa halip na pagkakaisa at destabilisasyong pulitikal,” ayon kay Flores.

Hinimok ni Flores si Aquino na magsimula na itong maglabas ng mga plano kung papaano lalabanan ng kaniyang administrasyon ang kahirapan.

AQUINO

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

GINOONG AQUINO

NOYNOY AQUINO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PRESIDENT VICTOR FLORES

TAGUIG URBAN POOR ALLIANCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with