Matinding init, asahan ulit
MANILA, Philippines - Asahan na ang muling matinding init na panahon na mararanasan sa bansa matapos ang ilang araw lamang na pahinga mula sa init nito.
Ayon sa Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang low pressure area na dala ng pag-ulan sa Metro Manila nitong nakaraang linggo at pagkakaroon ng malamig na temperatura ay nawala na sa Philippine area of responsibility.
Sinabi ng kagawaran, ang LPA ay lumabas na sa Batanes kahapon ng umaga at patungo na ito sa mainland China.
Dahil dito, nangangahulugan na magiging mainit na naman na may manaka-nakang pagbuhos ng ulan sa Metro Manila, kasabay ng pagtaas ng temperatura.
Posible rin anyang tumaas muli sa 37 degrees celsius ang temperatura kung kaya pinayuhan muli ang publiko na magdala ng pananggalang sa init ng sikat ng araw.
Base sa weather forecast, ganap na alas-2 kahapon ng hapon, ang Metro Manila ay nakaranas ng 3.5 degrees celsius.
Inaasahan namang darating ang pag-ulan sa buwan ng Hunyo.
- Latest
- Trending