^

Bansa

Maguindanao flashflood: 35,000 katao apektado

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines – Nasa 35,000 katao na ang grabeng naapektuhan ng mga flashfloods sa bayan pa lamang ng Sultan Kudarat sa Maguindanao.

Sa pinakahuling report ng National Disaster Coordina­ting Council (NDCC), naapektuhan ng nasabing kalamidad ang mga residente sa bayan ng Salimbao, Limbo, Gang, Calsada, Banubo, Katuli, Macaguiling, Mulaog, Senditan at Bulalo. Nadale din ang may mahigit sa 15 kabahayan sa gilid ng mga ilog sa Sultan Kudarat.  

Ayon kay NDCC Executive Director Glenn Rabonza, ang flashflood na rumagasa sa nasabing mga lugar ay bunsod ng malalakas na pagbuhos ng ulan nitong nagdaang mga araw.

Samantalang, 24 na ektarya rin ng bukirin ang lumubog sa tubig-baha na grabe ring nakaapekto sa mga pananim.

Kaugnay nito, inihayag ng opisyal na nakahanda na rin ang contingency measures ng pamahalaan sa nakaambang pagpasok ng La Niña phenomenom o tag-ulan sa bansa sa pagtatapos ng El Niño o mahabang tag-init.

AYON

BANUBO

BULALO

CALSADA

EL NI

EXECUTIVE DIRECTOR GLENN RABONZA

KATULI

LA NI

NATIONAL DISASTER COORDINA

SULTAN KUDARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with