Law students pwedeng bumisita sa kulungan
MANILA, Philippines - Ipinag-utos kahapon ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga jail guards na bigyan ng access ang mga law students na nagre-represent ng indigents detainees na makabisita anumang oras kahit walang clearance mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Nauna nang nagdeklara ang BJMP na hindi basta-bastang makakapasok ang sinuman hanggang hindi kumukuha ng authorization sa kanilang hanay.
Aksyon ito ng DILG, makaraang isang law student ang umano’y hindi pinayagang makapasok sa Quezon City jail dormitory para magsagawa ng panayam sa kanyang kliyenteng bilanggo dahil sa hindi pa ito nakakakuha ng clearance mula sa main office.
Ayon kay DILG undersecretary for Public Safety Marius Corpus, ang polisia ay alinsunod sa Law student practice Rule o Rule 138-A ng Rules of court at Republic Act 7438.Sa Rule 318-A ay binibigyan ang law students na may kumpletong 3rd year sa law education at naka-enroll sa recognized law school clinical legal education program na aprubado ng Korte Suprema na lumitaw sa mga court trial, tribunal, board o officer para irepresent ang indigent clients na tanggap ng legal clinic ng law school.
Habang sa RA 7438 ay nagbibigay ng permiso para bumisita sa sinumang tao na nadakip o nakulong o nasa ilalim ng custodial investigation ng anumang miyembro ng kanyang pamilya, o ng kanyang abogado.
Dagdag pa ni Corpus, ang mga law students ay kailangang bigyan ng security at courtesy katulad ng ginagawa sa regular na miyembro ng bar.
- Latest
- Trending