^

Bansa

CBCP ok sa 'jejemon' fever

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Naniniwala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na walang dapat na ikabahala sa “jejemon” dahil ito’y pamamaraan lamang ng mga kabataan upang ipahayag ang kanilang mga sarili.

Ayon kay Masbate Bishop Joel Baylon, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Youth, walang dapat na ikabahala sa pagiging “jejemon” ng mga ka­bataan dahil ito’y “uso” lamang na sa paglipas ng mga araw ay tiyak na lilipas din.

Inihalintulad pa ng Obispo ang jejemon sa mga uso noong araw na “hippie,” at “jeprox,” na iba’t ibang ekspresyon ng mga kabataan sa iba’t ibang henerasyon, na malaunan ay napaglipasan na rin ng panahon.

“I’m not really worried about jejemon, It’s just a passing fad,”  ayon kay Baylon.

Binigyang-diin pa ng Obispo na ang mas dapat na pagtuunan ng pansin ay ang pag-uugali ng mga kabataan sa likod ng lengguwahe, tulad ng kanilang chastity, pagiging disente at katapatan, at ang prinsip­yong humuhubog sa karakter ng mga ito.

Nauna rito, hinimok ng Department of Education (DepEd) ang mga kabataan na huwag gumamit ng jejemon sa pakikipag-komunikasyon dahil ito’y makasisira umano sa kanilang language skills.

AYON

BAYLON

BINIGYANG

CATHOLIC BISHOPS

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF EDUCATION

EPISCOPAL COMMISSION

MASBATE BISHOP JOEL BAYLON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with