Quezon nilindol

MANILA, Philippines - Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.4 ang Infanta, Quezon kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), alas-6:23 ng gabi nang maramdaman ang pagyanig sa nasabing lugar.

Naramdaman ang intensity 4 ng lindol sa Infanta habang intensity 3 sa Polilio Island. Intensity 2 na lindol naman sa Caloocan City.

Ayon sa Phivolcs, ang lokasyon ng lindol ay matatagpuan sa 15.00 degress North-East ng Infanta na may kababawan lamang.

Sinabi pa sa ulat ang origin ng lindol ay tectonic ngunit wala naman iniulat na napinsala o inaasa­hang aftershocks sa naturang lindol.

Show comments