ECC kailangan sa expansion ng airport
MANILA, Philippines - Binalaan ni Aklan Gov. Carlito Marquez ang gagawa ng expansion ng Caticlan airport na dapat muna silang kumuha ng bagong environment clearance certificate (ECC) at local na permit bago nila ipatag ang bundok sa tabi ng airport.
Pinaalam din ni Marquez sa bagong consortium na mag-ooperate ng P2.5 billion Caticlan airport, na i-comply lahat ng kanilang requirements para hindi nila ipahinto ang konstruksyon nito.
Ang rehabilitasyon ng Caticlan airport, ang pinaka-malapit na daan putungo sa bantog na Boracay Island, ay tinututulan ng maraming environment groups dahil balak ng debeloper nito, ang Caticlan International Airport Development Corp. (CIADC) na ipatag ang bundok para humaba ang runway ng airport.
Ayon kay Marquez, ang 2006 ECC na nakuha ng CIADC ay hindi nakalagay na pwede nilang patagin ang bundok para lang mapagbigyan ang kontrobersyal na proyekto na matatapos sa 2013. Paliwanag ni Marquez, ang nakalagay lamang doon sa lumang ECC ay i-upgrade ang pasilidad at air traffic control aids ng airport at hindi para “babuyin” ang naka-palibot dito.
Ayon sa Earthsavers Movement at mga concerned na residente, ang plano ng CIADC na patagin ang bundok ay pwedeng masira ang kalikasan at magdulot ng matinding pagbaha sa Panay Island at baka rin madamay at masira ang kalapit nitong white beach ng Boracay.
- Latest
- Trending