^

Bansa

Dormitories iinspeksiyunin ng BFP

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Sisimulan ng kagawaran ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pag-iinspeksyon sa mga paaralan, unibersidad, dormitories at commercial stablish­ments upang matiyak na sumu­sunod ang mga ito sa ipina­patupad na safety regulations at standards ng kagawaran.

Aksyon ito ng BFP dahil sa nalalapit na pagsisimula ng klase sa Hunyo.

Ayon kay DILG under­secretary for Public Safety Marius Corpus, kailangang simulan na ng BFP ang inspection sa mga naturang gusali upang mabigyan ng sapat na oras ang mga nama­mahala nito sa mga kinakaila­ngang fire equipment na kaila­ngan sa kanilang nasasakupan.

Giit ni Corpus, kailangan anyang i-check ang lahat ng fire safety requirements ng mga school buildings, universities, commercial establishments, sleeping quarters tulad ng dormitories, hotels, inns, hospitals, residential places, food court at factories na may kagamitan ng madaling masunog tulad ng foam, tires at gasoline depot.

Sabi ng opisyal, ang anu­mang istraktura o gusali na nago-operate na walang mandatory fire safety requirements ay isang malinaw na paglabag sa Fire Code of the Philippines at maaring sampahan ng kaso ng BFP.

AKSYON

AYON

BUREAU OF FIRE PROTECTION

FIRE CODE OF THE PHILIPPINES

GIIT

HUNYO

PUBLIC SAFETY MARIUS CORPUS

SABI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with