MANILA, Philippines - Handang makipagtulungan si Makati Mayor Jejomar Binay kay Senador Noynoy Aquino kung saan tututukan nito ang pagpapalakas ng mga lokal na pamahalaan.
Sinabi ni Binay na walang dapat ipag-alala si Aquino sa kanya dahil sa wala siyang kaplano-pla nong mang-agaw ng kapangyarihan tanda ang matagal na relasyon niya sa buong pamilya Aquino.
“Noynoy, matutulog ka nang mahimbing sa akin. Sa hirap at ginhawa, itinaya na natin ang buhay natin sa Edsa. Hindi ko aagawin ang puwesto mo,” ayon kay Binay.
Inihalimbawa ni Binay ang pagsisilbi niya bilang chief security ng namayapang si dating Pangulong Corazon Aquino noong 1986 Edsa Revolution at miyembro rin ng August 21 movement, ang petsa kung saan pinaslang si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. Si Pangulong Cory Aquino rin ang naghirang kay Binay bilang alkalde ng Makati makaraan ang People Power 1.
Plano ngayong upuan ni Binay ang Department of the Interior and Local Government kung ibibigay sa kanya ni Aquino.
“Alam naman ni Noynoy na handa akong tumulong. Ako ay team player. Bakit hindi ko siya susupor tahan kung siya ang gusto ng taong bayan?” dagdag pa ni Binay na running mate ni dating Pangulong Joseph Estrada sa nagdaang halalang pampanguluhan. Pumapangalawa si Estrada sa mga huling bilangan ng boto.