Kababaihang magsasaka sumuporta kay Loren

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pagsuporta ang mga kababaihang magsasaka sa ilalim ng grupong Amihan kina Nacionalista Party vice presidential candidate Loren Legarda at senatorial candidates Satur Ocampo at Liza Masa.

Idinahilan ng Amihan ang mga pagkilos na nagawa ni Legarda para sa kababaihang magsasaka sa kanayunan at ang patuloy niyang pagtugon sa kanilang pangangailangan.

Sinabi pa ng Amihan na patuloy na sinusuportahan ni Legarda ang mga karapatan ng mga mahihirap na kababaihan kung mananalo itong bise-presidente ng bansa.

Binanggit pa ng grupo ang rekord nina Ocampo at Masa na pagtatanggol sa mahihirap sa Kongreso at ipagpapatuloy kapag nanalo sa Senado.

Ayon sa Amihan, nasa 70-80% umano ang kontribusyon ng mga kababaihan sa agrikultura ngunit patuloy na bigo ang pamahalaan na mabigyan ito ng karapatan na mag-ari ng sariling lupain, at iba pang pagkakakitaan.

Show comments