^

Bansa

Peace process bubuksan ni Loren

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nais ni Nacionalista vice-presidential candidate Loren Legarda na muling buksan ang usapang-pangkapa­yapaan sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kung magwawagi siya sa darating na halalan.

Sinabi ni Legarda ang importansya ng kapayapaan sa Mindanao sa pag-unlad nito kung saan magkakaroon ng mga trabaho at pangkabuhayan ang mga residente kung magkaka­ayos ang pamahalaan at mga rebeldeng Moro.

Upang maging epektibo ang usapan, sinabi nito na dapat mag-invest muna ang pamahalaan ng mga imprastraktura sa rehiyon tulad ng “renewable energy” dahil sa nararanasang brown-outs sa maraming parte nito. Dapat ring pagtuunan muna umano ang edukasyon at kalusugan ng mga mamamayan.

Natigil ang usapang-pangkapayapaan noong Oktubre 14, 2008 nang ideklara ng Korte Suprema na labag sa batas ang “memorandum agreement” ukol sa “ancestral domain” ng mga Moro.

Sinabi ni Legarda, adopted Muslim princess, na kailangang maibalik ang usapan kung saan nakatutok ito sa pagdebelop ng Mindanao.

DAPAT

KORTE SUPREMA

LEGARDA

LOREN LEGARDA

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NACIONALISTA

NATIGIL

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with