Erap pabor sa Comelec control sa Maynila

MANILA, Philippines - Sinuportahan ng Pwersa ng Masang Pili­pino ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada ang panawagan ni Manila mayoralty candidate Lito Atienza na ipailalim sa kon­trol ng Commission on Elections ang buong lun­sod kaugnay ng nala­lapit na halalan.

Sinabi ni Estrada sa pamamagitan ng tagapag­salita niyang si Margaux Salcedo na sinusupor­tahan nila ang panawagan ni Atienza.

Ginawa ni Salcedo ang pahayag makaraang ilang tauhan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang idinawit ng isang empleyado ng City Hall sa isang conspiracy para dayain umano ang re­ sulta ng botohan sa Maynila gamit ang pre-fabricated election results na ipa­padala umano sa Comelec sa pamamagitan ng inter­net pagkatapos ng halalan sa lungsod sa Mayo 10.

Ang saksing si. Ronilda Reluya, ay nagpasa ng sworn statement na nag­papatunay na nakita niya mismo ang accomplished election returns para sa May 10 elections at nagpa­pakitang panalo si Lim sa Maynila.

Si Reluya, isang computer operator sa electronic data processing unit ng City Hall sa ilalim ng Office of the Mayor, ay tumestigo din na hindi kukulangin sa walong tao ang nagsagawa ng pa­kana matapos na lahat ng EDP personnel ay pala­basin ng opisina. Sinabi niyang nadiskubre niya ang anomalya pag­ balik sa trabaho.

Show comments