MANILA, Philippines - Idineklara kahapon ni Pangulong Gloria Arroyo na non-working holiday ang darating na Mayo 3 (Lunes) subalit ipagdiriwang ang Labor Day sa Mayo 1.
Sinabi ni Executive Secretary Leandro Mendoza, inilipat sa Lunes ang holiday subalit ang pagdiriwang at mga aktibidad sa Labor Day ay gaganapin sa Mayo 1.
Dahil dito, regular na araw ang darating na Mayo 1 (Sabado) para sa mga kawani ng pribadong sector.
Naunang inihayag ng Palasyo na walang wage increase announcement ang Pangulong Arroyo sa darating na Labor Day.