Binay-Roxas na lang!
MANILA, Philippines - Napag-iwanan na ni United Opposition (UNO) vice presidential candidate Jejomar C. Binay si Sen. Loren Legarda sa pangatlong nationwide survey na kinomisyon ng radio network DZRH-Manila Broadcasting Company. Nakakuha ng 27 percent si Binay laban sa 22 ng senadora.
Tinapyas din muli ni Binay ang kalamangan ni Sen. Mar Roxas. Bumaba ito sa 14 percent – mula sa 33 percent sa pagsisimula ng kampanya noong Enero ng taong ito. Nakakuha si Roxas ng 41 percent.
Isinagawa ang survey noong Abril 15, isang linggo bago ipinahayag ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na ang susuportahan niya sa May 10 elections ay ang tambalang Noynoy-Binay.
Simula Enero ng taong ito, patuloy ang unti-unting pagkabig ni Binay sa kalamangan ni Roxas - mula 33 sa 17. Siyam na porsiyento na lamang ang kailangang habulin ni Binay mula kay Roxas sa natitirang tatlong linggo, ayon sa mga tagakampanya ni Binay.
Ang patuloy na pagsirit ng kalamangan ni Binay laban kay Roxas ay dahil na rin sa pagkakatuklas ng mga botante na si Roxas ang kaalyado ni Sen. Ralph Recto para maipasa ang EVAT noong 2004.
- Latest
- Trending