Nagpa-presscon kay Ampatuan Jr.: Jail warden sinibak!

MANILA, Philippines - Sinibak sa puwesto ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Ro­naldo Puno ang deputy warden ng Quezon City Jail An­nex matapos ang kontro­bersiyal na press conference na ginawa ni Datu Unsay Mayor Andal Am­patuan Jr. sa loob mismo ng kanyang kulu­ngan.

Sa kautusan ni Puno, pinatalsik sa puwesto si Senior Inspector Lloyd Gon­zaga, deputy warden ng QCJ Annex na nasa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Pansamantalang ipi­nalit sa kanya si Supt. Clement Laboy, Regional Chief of Staff ng Bureau of Jail Management and Penology-National Capital Region. Si Gonzaga ay inilipat naman bilang hepe ng BJMP-NCR for Operations.

Umani ng kaliwat-ka­ nang batikos mula sa ibat-ibang sektor ang gina­wang pulong-balitaan ni Ampa­tuan Jr. sa loob ng na­bang­git na detention facilities.

Ayon kay BJMP De­puty Chief of Operations, Chief Supt. Doris Dorigo, hihingan nila ng pahayag ang lahat ng tauhan ng BJMP sa loob ng kampo para magamit sa isa­sa­gawang imbesti­gasyon.

Partikular dito ang po­sibleng paglabag ng ilang mga opisyal sa Camp Bagong Diwa sa standard operating procedures ng pahintulutan si Ampatuan Jr. na makapag-press­con sa loob ng kulungan.

Ngunit, iginiit ng mga opisyal ng BJMP na hu­mingi ng permiso ang abogado ni Ampatuan Jr. na magsagawa ng press­con dahil umano sa nais nitong magbigay ng pa­ha­yag kaugnay sa inila­bas na resolusyon ni Department of Justice (DOJ) Secretary Alberto Agra na nagpa­pawalang-sala sa dala­wang mi­yembro ng Am­patuan kaugnay sa Ma­guindanao massacre noong Nob. 23, 2009.

Sa press statement ng BJMP sinabi nitong ang kanilang hanay ay walang legal authority na pigilan ang bawat tanong ng media gayundin ang kara­patan ni Ampatuan Jr. sa larangan ng kalayaan ng pamamahayag dahil anya ang akusado sa Maguin­danao massacre, sa ilalim ng batas ay itinuturing pang inosente at may karapatan na kahalintulad ng ibang mamamayan. 

Show comments