Angat dam kritikal na
MANILA, Philippines - Umabot na sa critical level ang sukat ng tubig sa Angat Dam kaya umapela na sa publiko ang Greenpeace na paigtingin ang pagtitpid sa tubig.
Sinabi ni Amalie Obu san ng Greenpeace, nasa 79.55 na ang water level ng Angat na dapat ay nasa 80 meter above sea level.
Ipinaliwanag ni Obusan na ito ang dahilan kung kaya’t mataas ang singil natin sa kuryente ngayon at naranasan na natin ang rotating brownout, dahil hindi na kayang patakbuhin ng tubig ang hydroelectric power na pinagkukunan ng elektrisidad bukod pa sa pagtatanggal ng Angat ng alokasyon ng tubig sa mga irigasyon sa Bulacan at Pampanga.
Ang natitira na lamang umanong tubig ngayon sa Angat ay para sa “domestic supply” ng mga taga Metro–Manila at sakaling magpatuloy sa pagbaba ang level ng tubig, malamang na maranasan na din natin ang rotating waterless supply.
- Latest
- Trending