Turkish flour ligtas - FDA

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Food and Drug Administration (FDA)  na ligtas gamitin sa mga tinapay at iba pang uri ng pagkain ang ini-import na Turkish flour.

Ang paniniyak ay ginawa ni FDA chief Nazarita Tacandong matapos na lumabas sa kanilang masusing pagsusuri na negatibo ito sa anumang uri ng kemikal na nakamamatay at mapanganib sa kalusugan ng tao.

Ayon sa FDA, naging masusi ang kanilang monitoring upang malaman kung positibo  ang Turkish flour sa mycotoxins kabilang na ang  Ochratoxin A at Aflatoxin.

Matatandaan sinabi din ng Department of Health (DOH) kailangan doblehin at sumailalim sa mas  masusi pang pagsusuri ang mga arina mula sa Turkey bagama’t una na itong nag-negatibo sa mycotoxins.

Ang pagsusuri ay nag-ugat sa ilang naglabasang report na mapanganib ang Turkish flour sa kalusugan.

Show comments