^

Bansa

Roxas hinamon ng debate

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Hinamon ng dalawang principal proponents ng cheaper medicine legislation si Senador Mar Roxas sa isang debate saan man at kung kelan upang malaman ng taumbayan kung sino ang nagsasabi ng totoo hinggil sa sinasabing ama ng naturang batas.

Sinabi nina Cong. Ferjenel Biron at dating Congressman na ngayon ay Iloilo Vice Gov. Rolex Su­plico na ang unang nag-file ng cheaper medicine bill na handa silang maki­pagdebate kay Roxas para sa isang face-to-face confrontation kung hindi ay humingi ng paumanhin sa publiko hinggil dito.

Nais ng mga ito na ipaliwanag din ni Roxas ang umano’y P1-bilyon lobby fund na ibinigay ng foreign pharmaceutical companies na pakalmahin hindi man tuluyang mapahinto ang cheaper medicine law.

Anila, hindi dapat angkinin ni Roxas na siya ang author ng  Cheaper Medicine Act dahil ang senador ay nag-file lamang ng Senate Bill 101 noong 14th Congress para sa pagkakaroon ng parallel drug importation na magbebenepisyu lamang ay ang mga multinational companies. Sinabi nina Biron at Suplico na nagsampa sila ng original bill para sa murang gamot noong  11th Congress na na-refiled noong 14th Congress na ginagamit nitong basehan sa pag-draft ng kasalukuyang batas.

ANILA

CHEAPER MEDICINE ACT

FERJENEL BIRON

ILOILO VICE GOV

ROLEX SU

ROXAS

SENADOR MAR ROXAS

SENATE BILL

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with