Black propaganda vs Bro. Eddie

MANILA, Philippines - Kumikilos na ang ilang grupo upang wasakin ang matibay na pagsuporta ng mga Muslim leaders sa kandidatura ni Bangon Pilipinas presidential bet Bro. Eddie Villanueva at sa mga senatoriables nito matapos na lumutang ang isang nagpakilalang pamangkin ni dating Moro National Liberation Front (MNLF) founder Nur Misuari.

Ayon sa Bangon Pilipinas, isang nagpapakilalang lider ng MNLF at pamangkin umano ni Misuari na si Mohammad Elme Sanguila Al Hadj ang nagpapa-interview sa media at nagpapaputok ng balita na may “withdrawal of support” na umano ang hanay ng MNLF at Muslim leaders para kay Villanueva.

Gayunman, sa ekslusibong panayam kay Count Habib Nikabulin, tumatayong Home Minister for Sharif’s Affairs ng Sultanate of Sulu at Sultanate of North Borne/Sabah at respetadong Muslim leader sa Mindanao na wala sa listahan ng MNLF leader si Al Hadj at hindi nila kinikilala ito at hindi rin pamangkin ni Misuari si Al Hadj.

Isa namang source ang naghayag na una na rin uma­nong lumapit sa Bangon Pilipinas si Al Hadj na nanga­nga­kong tutulong sa partido subalit may katapat na malaking ha­laga.

Show comments