Accomplishment ni Revilla, 107 panukalang naging batas
MANILA, Philippines - Lalo pang nadagdagan ang legislative accomplishments ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. dahil mayroon pa siyang mga panukalang naging batas nitong kasagsagan ng kampanya.
Apat pa sa mga panukalang-batas ni Revilla na may kaugnayan sa road safety, health at poverty alleviation ay nalagdaan na kamakailan upang ganap nang maging batas.
Dahil dito, umabot na sa 107 ang bilang ng mga batas na naipasa noong nakaraang 13th Congress at nitong 14th Congress kung saan siya ay author o co-sponsor.
Ito ang mga batas hinggil sa obligadong pagsusuot ng standard protective helmet ng lahat ng motorcycle riders at backriders; pagbibigay ng karagdagang benepisyo at pribilehiyo sa mga senior citizens; regulasyon sa pag-practice ng respiratory therapy; at pagreporma sa pagpapautang para sa industriya ng agrikultura at agraryo.
Nagpahayag ng kagalakan ang senador matapos na maging batas na ang kanyang pet bill, ang Mandatory Helmet Act. Kabilang din ang mambabatas sa mga nagsulong sa Expanded Senior Citizens Act of 2010 na pinirmahan para maging batas noong Pebrero 15 sa ilalim ng Republic Act 9994. Dahil ito, tinatayang limang milyong matatanda sa buong bansa ang bibigyan ng mga benepisyo at pribilehiyong wala sa Senior Citizens Act of 1992.
- Latest
- Trending