MANILA, Philippines - Nakasama si Nacionalista Party spokesperson at Senatorial candidate Gilbert Remulla sa 12 senador na pinili ng mga estudyante ng UP sa buong Pilipinas sa isinagawang University of the Philippines system” Botong Isko 2010”.
Ang botohan ay naganap sa UP Diliman, UP Diliman Extension in Pampanga, UP Manila, UP Baguio, UP Miag-Ao, UP Cebu, UP Tacloban, UP Iloilo, UP Manila School of Health Sciences in Leyte, UP Manila School of Health Sciences in Baler, UP Mindanao, UP Open University, UP Los Banos.
Nag-umpisa ang botohan nung March 18, 2010 at natapos nung March 25, 2010.
Nanguna sa listahan si Sen. Miriam Defensor-Santiago sa botong 2,302 na sinundan nina Sen. Pia Cayetano (2,018), Cong. Satur Ocampo (1,876), dating senador Frank Drilon, (1,855), Congw. Liza Masa (1,725), dating congressman Gilbert Remulla (1,601), Risa Hontiveros (1,434), Ralph Recto (1,411), Atty. Adel Tamano (1,407), Juan Ponce Enrile (1,165), Bongbong Marcos (1,029), at Serge Osmena (914).
Ayon sa www.botongisko.com, ang “Botong isko 2010” ay naglalayong magtaguyod ng malinis na halalan sa bansa at mapulsuhan ang mga napipisil ng mga mag-aaral sa UP na tinatawag na mga “Iskolar ng Bayan”.
Si Remulla, dating congressman ng lalawigan ng Cavite, ay nag-aral sa UP at nakatapos ng Bachelor of Arts in Broadcast Communication.
Isa sa pinaka bata sa edad na 39 taon, si Remulla din ang at kaisa-isang bagong mukha sa listahan ng mga malamang manalo pagka senador sa 2010.