'Morong 38' tinanggihan ng PNP
MANILA, Philippines - Mistulang namasyal lamang ang 38 sa kabuuang Morong 43 matapos na tanggihan ang mga ito kahapon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na maisailalim sa kanilang kustodya sa Camp Crame.
Ayon kay Army Spokesman Lt. Col. Ernesto “Jun” Torres Jr., bandang alas- 8 pa lamang ng umaga ay ibiniyahe na mula sa kanilang detention cell sa Army’s 2nd Infantry Division (ID) sa Tanay, Rizal ang Morong 38 lulan ng dalawang Army truck patungo sa PNP-Custodial Center sa Camp Crame.
Gayunman, pagdating sa nasabing kampo ay tinanggihan ng PNP na maisailalim sa kanilang kustodya ang Morong 38 dahil wala umanong lugar ang mga ito sa PNP Custodial Center.
Ipinaliwanag ni Torres na huli na ng mabatid nila na nagsumite ang PNP ng motion for reconsideration sa korte upang tanggihan ang kustodya sa Morong 38. Sinabi nito na wala silang nagawa kundi ibalik sa Tanay ang Morong 43.
Ang paglilipat sa Morong 38 ay alinsunod sa kautusan ng Branch 78 ng Morong Regional Trial Court habang mananatili naman sa kustodya ni Army’s 2nd Infantry Division Chief ang lima sa mga ito.
- Latest
- Trending