Mahihirap na residente prayoridad ni Razon

MANILA, Philippines - Ang pagtugon sa pa­nga­ngailangan ng mahi­hirap na residente ng May­nila ang isa sa prayoridad sa plataporma de gob­yerno ng kandidatong mayor dito na si dating Philippine National Police Chief Sonny Razon.

Kabilang sa prayoridad na programa ni Razon ang sapat na gamot at ibang pasilidad sa mga ospital sa Maynila, pagpapahusay sa mga pampublikong paara­lan, pagpapa­unlad sa kul­tura at turismo, at bagong impras­truktura.

Sinabi ni Razon na ang mga programang ito ay alin­sunod sa pagtataguyod niya sa tunay na alternati­bong pagbabago sa May­nila lalo pa at dumarami ang mahi­hirap na Manilenyo.

Si Razon na tinagu­riang kandidato ng pagba­bago ay direktang nagpa­parating ng kanyang men­sahe sa mga botante sa pamamagitan ng pakiki­pagpulong sa kanila at pagbabahay-bahay.

Show comments