Mindanao tututukan ni Bro. Eddie

MANILA, Philippines - Hinamon kahapon ni Bangon Pilipinas presidential bet Bro. Eddie Villa­nueva ang lahat ng grupo ng mga rebelde sa buong bansa na makiisa sa kan­yang adhikain na isulong ang pinakamimit­hing kata­himikan at kati­wasayan ng pamumuhay sa buong Mindanao sa ilalim ng kanyang “collective planning system”.

Ayon kay Bro. Eddie na personal na nakada­upang-palad ng mga residente ng Cagayan de Oro sa Northern Minda­nao kahapon, kabilang sa kanyang prog­rama at plataporma na gawing 100 porsyen­tong mata­himik at maiayos ang eko­nomiya sa buong Min­danao.

Inihalimbawa ni Villa­nueva na, bagaman may mga sapat na impras­traktura ang Cagayan, maaari pa ring iaplay ang “sharing of national wealth” mula sa “economic rent policy” nito sa buong Min­danao kabilang na ang nasabing lalawi­gan sa­kaling siya ang palaring maging pangulo ng bansa.

Inamin ni Villanueva nakuha niya ang suporta ni dating MNLF Chairman Nur Misuari at MILF leader Ed Kabalu para isu­long ang matagalang kapayapaan sa Min­da­nao. (Ellen Fernando)

Show comments