Mindanao tututukan ni Bro. Eddie
MANILA, Philippines - Hinamon kahapon ni Bangon Pilipinas presidential bet Bro. Eddie Villanueva ang lahat ng grupo ng mga rebelde sa buong bansa na makiisa sa kanyang adhikain na isulong ang pinakamimithing katahimikan at katiwasayan ng pamumuhay sa buong Mindanao sa ilalim ng kanyang “collective planning system”.
Ayon kay Bro. Eddie na personal na nakadaupang-palad ng mga residente ng Cagayan de Oro sa Northern Mindanao kahapon, kabilang sa kanyang programa at plataporma na gawing 100 porsyentong matahimik at maiayos ang ekonomiya sa buong Mindanao.
Inihalimbawa ni Villanueva na, bagaman may mga sapat na imprastraktura ang Cagayan, maaari pa ring iaplay ang “sharing of national wealth” mula sa “economic rent policy” nito sa buong Mindanao kabilang na ang nasabing lalawigan sakaling siya ang palaring maging pangulo ng bansa.
Inamin ni Villanueva nakuha niya ang suporta ni dating MNLF Chairman Nur Misuari at MILF leader Ed Kabalu para isulong ang matagalang kapayapaan sa Mindanao. (Ellen Fernando)
- Latest
- Trending