DepEd maghihigpit sa dayaan sa Palaro
MANILA, Philippines – Nangako ang Department of Education na hindi na mauulit ang mga nakaraang insidente ng dayaan sa edad sa pagpapahigpit sa pagsala sa edad ng mga kalahok sa darating na Palarong Pambansa sa Tarlac.
Inamin ni Kenneth Tirado, tagapagsalita ng DepEd, na maraming beses nang nakatanggap sila ng mga protesta buhat sa iba’t ibang rehiyon sa mga nakalipas na Palaro. Marami naman umano sa mga ito ay hindi naman sinasadya ng kalahok na atletang bata.
Upang maiwasan ito ngayong taon, sa kabila na nakapasa na sa regional level, muling sasalain naman ng National Palaro Committee ang edad ng mga batang atleta na nakapasok sa national level.
Tanging mga mag-aaral na may edad mula 6 hanggang 15 anyos lamang ang pinapayagang makalahok buhat sa elementarya at high school sa buong bansa. - Danilo Garcia
- Latest
- Trending