Pope 'wag sisihin sa sex scandal - Cruz
MANILA, Philippines – Iginiit ng isang arsobispo ng Simbahang Katoliko na hindi dapat isisi kay Pope Benedict XVI ang umano’y sex abuse na kinasasangkutan ng ilang pari sa Estados Unidos, Ireland at Germany.
Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, puno ng Episcopal Commission on Matrimonial Tribunal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, walang kinalaman ang Santo Papa sa akusasyon na umano’y pinagtatakpan nito ang mga paring sangkot sa umano’y pang-aabuso ng mga kabataan.
Ipinaliwanag ni Cruz na ang may responsibilidad na magparusa sa sinumang pari na nagkasala ay ang priest-in-charge ng parokya, mga Obispo at arsobispo habang kung ang mismong Obispo at arsobispo naman umano ang nagkasala ay ang congregation of bishop na pinamumunuan ng Pope ang dapat na magparusa sa mga ito.
Iginiit rin ni Cruz na mali na basta na lamang paratangan ang Santo Papa sa kasalanang hindi naman ito ang may gawa. - Mer Layson
- Latest
- Trending