^

Bansa

Villar pekeng mahirap daw

-

MANILA, Philippines - Kasalukuyang kuma­kalat sa email ang mga dokumento na magpapatunay umano na hindi talaga dating mahirap si Nacionalista Party presidential candidate Manny Villar na ginagamit niya upang makuha ang boto ng masa.

Kabilang sa mga dokumentong kumakalat sa email ang Transfer Certificate of Title ng 560 square meter na kinatatayuan ng bahay nina Villar sa Bernardo Street, San Rafael Village  North Balut  na diumano’y nabili ng mga magulang nito noong 1962.

Kasama rin sa dokumento ang Death Certificate ng namayapang kapatid ni Villar na si Danny na nagsasabing namatay ito sa ospital ng Far Eastern University noong Oktubre 1962 kung saan nakatira na umano ang mga Villar sa San Rafael Village.

Base sa nagpapakalat ng email na mula sa email address na “Truth be told”, kung totoong mahirap sina Villar, dapat ay sa ospital ng gobyerno katulad ng Philippine General Hospital dinala si Danny at hindi sa isang pribadong ospital.

Pinabulaanan naman ni Villar ang kumakalat na email na isa lamang umanong pagtatangka na guluhin at sirain siya.

Hindi umano naging wholesaler o broker ng hipon ang kaniyang ina kundi isang simpleng tindera lamang samantalang ang kaniyang ama ay empleyado ng gobyerno na nakapag-loan lamang ng P16,000 sa Government Service Insurance System kaya nabili nila ang lupa sa San Rafael Village in Balut, Tondo noong 1962. (Malou Escudero)

BERNARDO STREET

DEATH CERTIFICATE

FAR EASTERN UNIVERSITY

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

MALOU ESCUDERO

MANNY VILLAR

NACIONALISTA PARTY

NORTH BALUT

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

SAN RAFAEL VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with