Pinoy sa Hollywood film bilib kay Gibo

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng suporta kay Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert Teodoro Jr. ang gumawa ng ‘medieval swords” ni Mel Gibson sa Hollywood film nitong “Braveheart” dahil ito lamang daw ang natatanging kandidato na kwalipikadong mamuno sa bansa.

Pinayuhan din ng negosyanteng si Rodrigo Rabote si Teodoro na huwag intindihin ang mga surveys kundi ipagpatuloy lamang ang kanyang pangangampanya.

Ginawa ni Rabote ang pagbibigay ng payo kay Gibo ng magkita ang mga ito sa sortie ni Teodoro sa Blumentritt market sa Sta. Cruz, Maynila kamakailan.

“Work harder, you are clearly the best man to run this country as president,” wika pa ni Rabote.

Kilala si Rabote sa Hollywood dahil sa kanyang negosyong swords and armor na ginagamit sa mga pelikula.

Show comments