^

Bansa

Simpleng Pangako tinupad ni Villar

-

MANILA, Philippines - Halos siyam na taon na ang nakararaan nang unang tumapak si Sen Manny Villar sa maliit na bayan ng Mallig, Isabela pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya naka­kalimutan ng mga tao rito dahil sa pagtupad niya sa isang “maliit” na pangako.

Nangampanya si Villar sa bayang ito na mayroon lamang halos 16,000 botante noong 2001 nang tumakbo siyang senador. At ngayong kumakan­didato siyang pangulo sa darating na Mayo, malaki ang pag-asa na makuha muli ng senador at running mate niyang si Sen Loren Legarda ang suporta ng mga mamamayan dito.

Kuwento ni Mayor Edward Isidro, kapartido ng Nationalist People’s Coalition, tumatanaw ng mala­king utang na loob kay Villar ang mga tao sa kan­yang nasasakupan dahil sa tulong na ibinigay nito nang dumanas ng matin­ding tagtuyot ang kanilang bayan noong 2001.

Nangangampanya umano si Villar noong 2001 nang magbigay ito ng pa­ ngako sa mga tao sa Mallig na magbibigay ng “kuliglig” (maliit na traktora) para ma­gamit nila sa pag­bubungkal ng lupa at maka­tu­long sa kanilang pagtatanim.

Nang matapos ang halalan at nanalo si Villar na senador, hindi naghin­tay nang matagal ang mga mamamayan ng Mallig at dumating sa kanila ang ipinangako nitong “kuliglig” na maaari ring gamitin sa transportasyon at ibang makabuluhang bagay. (BQ)

ISABELA

KUWENTO

MALLIG

MAYOR EDWARD ISIDRO

NANG

NANGAMPANYA

NATIONALIST PEOPLE

SEN LOREN LEGARDA

SEN MANNY VILLAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with