Pamamahagi ng Luisita pinagdudahan
MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pangamba si Liberal Party senatorial candidate at Mun tinlupa City Rep. Ruffy Biazon sa pagiging masigasig ng kanilang katunggaling par tido na kaagad maipamahagi ang Hacienda Luisita na pag-aari ng pamilya ng kanilang presidential candidate na si Noynoy Aquino.
Ayon kay Biazon, nakakaduda ang panggigigil ng ibang partido na maipamahagi ang mahigit 6,000 ektaryang lupain partikular ang kilalang developer ng mga commercial at residential projects na tumatakbo ring pangulo sa nalalapit na halalan.
May hinala ang kongresista na interesado ang isang presidential candidate na kilala ring real estate developer sa Hacienda Luisita kaya pinaiinit ng kanyang mga tagapagsalita ang isyu sa lupain.
Nagtataka rin si Biazon kung bakit ang kinukuwes tiyon ng kabilang partido ay ang hindi umano pagsasailalim ng Hacienda Luisita sa land reform noong administrasyon ni dating Pangulong Cory Aquino gayung ang mas dapat katakutan ngayon ang talamak na illegal land conversion na kamakailan lang ay nadiskubre sa Iloilo kung saan sangkot ang isang presidential candidate.
Iginiit ni Biazon na habang pilit na binibigyan ng hustisya ang mga benepisyaro ng Hacienda Luisita, dapat kasuhan din ang mga sangkot sa illegal conversion ng mga lupaing agraryo dahil ito aniya ang tunay na nakakasira sa land reform. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending