Gibo tutol sa military junta
MANILA, Philippines - Tutol si Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert Teodoro Jr. sa posibleng pagkakaroon ng military junta sa sandaling magkaroon ng failure of elections sa bansa sa halalan sa May 10.
Siniguro ni Teodoro na mahigpit niyang tututulan ang posibilidad na magkaroon ng military junta sa bansa dahil anti-Filipino ang hakbang na ito.
Idiniin niyang dapat matuto na ang Filipino sa mga nangyari sa nakalipas at hindi siya papayag na lapastanganin ang Konstitusyon.
Aniya, ang pagkakaroon ng military junta ay magtataboy sa mga investors at hindi ito magiging produktibo para sa bansa gayundin sa mga skilled Filipino professionals. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending