Loren bumanat kay Mar
MANILA, Philippines - Lalo umanong maghihirap ang bansa kapag ang kanyang katunggali ang nanalong bise-presidente ng bansa sa darating na May 10 elections.
Ayon kay Vice-Presidential candidate Sen. Loren Legarda, anti-poor si Liberal Party vice-presidential bet Mar Roxas dahil bumoto ito para sa Expanded Value Added Tax (EVAT) at siya ang nag-waterdown sa Cheaper Medicine Law.
Wika pa ni Loren, hindi niya tatantanan ng pagbatikos si Mar dahil lalong maghihirap ang Pilipinas kapag si Roxas ang nanalong bise presidente ng bansa.
Hinamon din ni Legarda ng debate si Mar para malaman ng publiko kung sino sa kanila ang dapat manalong bise-presidente.
Sabi ni Loren, si Mar ang tunay na political butterfly dahil kung saan ito ‘makikinabang’ ay doon ito pumapanig.
Aniya, mali din ang ipinagyayabang ni Mar na siya ay ‘Mister Palengke’ dahil ang Farmers Market na pag-aari ng mga Araneta kung saan ay kabilang si Mar ay napakataas umano ng paupa nito. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending
















