Sa Pacquiao-Clottey fight: Siraan sa pulitika tigil muna
MANILA, Philippines - Inaasahan na ng Malacañang na magkakaroon ng political ceasefire ngayong araw na ito kung saan magiging abala ang lahat sa panonood ng laban ni Manny Pacquiao at Joshua Clottey.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesman Ricardo Saludo, inaasahan na niya ang pagtigil ng siraan dahil maging ang mga pulitikong nangangampanya ay manonood ng laban ni Pacquiao.
Katulad ng mga naunang laban ni Pacquiao, inaasahan na rin aniya ang pagbaba ng krimen hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.
“Pag ganyang may laban, ang maganda nito, eh tumitigil ang gulo, tumitigil ang siraan, tumitigil ‘yung ligalig at pati krimen sa buong bansa,” sabi ni Saludo.
Ang political ceasefire at maging ang pagbaba ng krimen ay maituturing aniyang isang magandang “by-product” tuwing may laban si Pacquiao.
Sinabi pa ni Saludo na dapat gawing idolo ng mga pulitiko ang pakikipaglaban ni Pacquiao na gaano man kabagsik ang laban ay nangingibabaw pa rin ang pagnanais nito na iangat ang bayan.
Umaasa muli ang Malacañang na mapagtatagumpayan ni Pacquiao ang kaniyang laban kay Clottey.
- Latest
- Trending