Payola sa BoC tuloy
MANILA, Philippines - Sa kabila ng sunod-sunod na naglabasang isyu hinggil sa P20 milyong payola sa Bureau of Customs, tila hindi pa rin natinag ang binansagang ‘batman and robin’ ng Aduana at sa halip ay nagyabang pa diumano ang mga ito na patuloy pa rin ang kanilang panghahalihaw.
Ayon sa isang opisyal ng BoC na tumangging magpakilala, sina ‘batman and robin’ daw ngayon ang kinakatakutan sa Aduana dahil madalas nitong ipanakot na tauhan daw sila ng isang kilalang pulitiko kaya ang sinumang tumanggi sa kanila ay masisibak.
Masyado na umanong nahihirapan ang bawat tinokahan dahil kailangan nilang maibigay ang P20 milyon na payola na gagamitin umano ng naturang pulitiko sa kampanya.
Batay pa sa impormasyon, karamihan diumano sa mga sensitibong puwesto sa BoC ay may ‘lagay’ kina ‘batman and robin’ samantalang ang mga importers at brokers ay obligado din magbigay ng payola upang hindi raw pakialaman sa kanilang trabaho sa aduana. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending