^

Bansa

Seguridad sa eleksyon pinalakas pa ng PNP

-

MANILA, Philippines - Kaalinsabay ng pag­sapit sa ika-60 araw na election period sa bansa, pinalakas pa ng Philippine National Police (PNP) ang security operations upang matiyak na masusupil ang mga pagdanak ng dugo sa May 2010 polls.

Inatasan na ni PNP Chief Director Gen. Jesus Verzosa ang lahat ng PNP Regional Directors at Directors ng National Support Units na paigtingin pang mabuti ang operas­yon laban sa mga luma­labag sa Comelec gunban.

Ayon kay Verzosa, binigyan niya ng direktiba ang Special Task Forces at Police Manuever Units na lipulin  na sa lalong ma­daling panahon ang na­mamayagpag na Partisan Armed Groups (PAGs) at lahat ng mga grupong banta sa matiwasay na pagdaraos ng eleksyon.

Inatasan rin ni Verzosa ang lahat ng PNP Units na magsagawa ng Peace Covenant sa hanay ng mga lokal na kandidato at iba pang mga partido puli­tikal para tiyakin ang ma­payapang halalan.

Si Verzosa ay nasa Cotabato City kung saan sinaksihan nito ang pag­lagda sa Peace Covenant ng mga lokal na opisyak sa Autonomous Region in Muslim Minda­nao at Cen­tra­l Mindanao.

Sa loob ng 60 araw na Comelec gun ban operations ay umaabot sa 1,335 violators ang nasakote at nakasamsam ng 1,141 armas, 221 eksplosibo, 318 patalim at 798 gun replica. (Joy Cantos) 

AUTONOMOUS REGION

CHIEF DIRECTOR GEN

COMELEC

COTABATO CITY

INATASAN

JESUS VERZOSA

JOY CANTOS

MUSLIM MINDA

PEACE COVENANT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with