Suporta bumuhos sa Ang Kasangga
MANILA, Philippines - Maraming organisasyon at indibiduwal ang nangako ng suporta sa Ang Kasangga sa Kaunlaran, Inc. (Ang Kasangga) sa kampanya nito para sa sectoral representation sa Kongreso sa darating na May 10 elections. Ang pahayag ay ginawa ni Lito Trinidad, campaign manager ng Ang Kasangga, sa pagtatapos ng two-day National Assembly at Launching ng grupo kahapon na dinaluhan ng mahigit sa 200 delegado na nagmula sa iba’t ibang rehiyon sa Best Western Astor Hotel sa Makati City.
Kasabay nito, pormal na nilagdaan ng mga delegado ng Ang Kasangga na binubuo ng mga regional, district at municipal coordinators kahapon ng umaga ang Manifesto of Unity, Cooperation and Support sa hangarin ng partylist na lumahok at makasambot ng isang puwesto sa Kongreso sa nalalapit na eleksiyon.“The cause and advocacy of Ang Kasangga will be better propagated and spread if the sector of micro-entrepreneurship represents will be given a chance to participate and seat in government through the party list system,” nakasaad sa Manifesto.
Nauna rito ay nagpahayag ng suporta ang Visually Impaired Brotherhood for Excellent Services (VIBES), sa pangunguna ng presidente nitong si Dante Tioson, at ang 11 iba pang organisasyon at micro-entrepreneurs sa Ang Kasangga upang kata wanin sila sa Kongreso.
- Latest
- Trending